Si JERWIN na kung tawagin ko ay PANGGA na all out pag dating sa mga anak at ang hobby ay kumain ng masasarap na pagkain at mangolekta ng Nike...Ulirang ama na ginagawang araw ang gabi sa pagtratrabaho...(lol)
Si GIAN na super talino at maraming gustong gawin at maraming gustong sabihin.... Dating gustong maging doktor subalit nang malaman na wala syang magiging oras sa pamilya dahil laging on-call ay minabuting magpiloto na lang..
Si NYANNE na aming prinsesa, anghel, dalagita, bunsoy at iba pa na syang nagpapasaya sa aming umaga at bumubuo sa aming araw...
At syempre ako na si ANNALIZA na isang pasaway na ina na mahilig matulog...lol na hindi nauubusan ng gawain sa bahay at punung puno ng pangarap para sa aking mga anak...

